Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte malapit na sa stage 1 cancer

0 253

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagkumpirma na malapit na sa Stage One cancer ang kanyang matagal nang iniindang sakit.

Sa mensahe sa bayan ng Pangulo nitong Martes, binahagi niya na hindi pumapasok sa kanyang isip na lustayin ang pera ng gobyerno dahil wala rin siyang gagawin dito dahil sa kanyang kalusugan. Aniya marami nang bawal sa kanya pagdating sa pagkain dahil binalaan na ng mga doktor dahil sa kanyang kondisyon.

“Matagal na kami sa gobyerno, magpa-retire na lang, bakit pa namin pagsayangan? Kakaunting panahon na lang ang naiwan so walang — walang — walang ganang — wala nang ganang kumain. May pera ka naman, hindi ka na makakain kay sabi ng doktor huwag kang kumain ng taba kasi mamatay ka,” ayon sa Pangulo.

“‘Ikaw Duterte, huwag ka nang uminom kasi ‘yang Barrett mo nearing stage one ka sa cancer. So hindi na rin,” aniya pa.

Ang Barrett’s esophagus ay isang sakit na nagdudulot ng gastroesophageal reflux disease, at sa ilang pagkakataon ay puwedeng lumala sa esophageal cancer.

Saad ni Duterte, hahayaan na lang niyang hatulan sila ng Diyos sa kanyang mga nagawa laban sa COVID-19.

T*** i***** ‘yan. Wala na. Ang amin, ang iwan na lang ang trabaho. Kasi pagharap namin sa Diyos and tanungi”n ka na, “O ikaw Rodrigo, anong ginawa mo?” Sabi ko, “Ginawa ko man lahat. Ito man si (Finance Secretary Sonny) Dominguez ang walang pera,'” aniya pa. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.