Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte mamimigay ng face mask

0 251

Mamimigay si Pangulong Rodrigo Duterte ng libreng face mask para sa mga Pilipino na walang kakayahang bumili para sa kanilang proteksiyon sa COVID-19.

Sa kanyang mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na mahalagang magsuot ng face mask dahil isa ito sa mga paraan para mapabagal ang kontaminasyon ng COVID-19 at matiyak ang kaligtasan.

Maaari aniyang gamitin ng dalawang beses ang ipamimigay na face mask, basta i-sprayan lang ito ng alcohol o disinfectant, patuyuin at gamitin kapag natuyo na.

“Kung wala kayo, I will buy as many as I can afford kung kaya ko, ibigay namin sa inyo libre but wear it,” anang Pangulo.

Mahalaga, anang Pangulo, ang paggamit ng face mask dahil mismong ang mga eksperto ang nagsabing kailangan ang face mask para makaiwas sa peligro at kontaminasyon ng COVID-19.

Para sa mga walang face mask, pabirong sinabi ng Presidente na ibabad ang mga kamay sa gasolina dahil tiyak na hindi uubra ang bagsik ng COVID doon.

“Iyong wala, ibabad mo ng gasolina o diesel, p***i**** COVID na ‘yan. Hindi uubra ‘yan diyan. If you want to disinfect, maghanap ka ng gasolina, ibabad mo lang ‘yang kamay mo,” dagdag ng Pangulo.

Pero mag-ingat aniya at huwag gawin sa loob ng bahay dahil baka mauwi sa peligro ang pag-disinfect ng kamay gamit ang gasolina. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.