Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte mananalo `manok’ sa 2022 – Palasyo

0 67

Malabong maging `lame duck’ umano si Pangulong Rodrigo Duterte habang nalalapit na ang pagtatapos ng kanyang termino dahil patuloy ang tiwala sa kanya ng mayorya ng sambayanang Pilipino, ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

“He can never be a lame duck. A President who has a 91 trust and approval rating can never be a lame duck, tandaan mo `yan,” sagot ni Panelo sa banat ng isang kritiko laban sa Pangulo.

Sinabi pa ng kalihim na kahit sinong presidential at vice presidential candidate ang suportahan ni Pangulong Duterte ay siguradong mananalo sa halalan.

“At kahit na hindi tumakbo `yan si Presidente, o kahit na hindi tumakbo `yan si [Davao City Mayor] Sara Duterte, maniwala kayo, kung sino ang tutulungan ni Presidente Duterteng kandidato sa panguluhan at sa pangalawang panguluhan, mananalo,” ani Panelo.

Aniya, maraming Pilipino ang patuloy na naniniwala sa anumang sabihin ng Pangulo dahil isa itong mapagkakatiwalaang lider ng bansa. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.