Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte `manok’ si Romualdez sa pagka-VP

0 136

Tinuldukan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga haka-haka kaugnay sa posibleng pagtakbo nito sa pagka-bise presidente sa 2022 election.

Sa isang seremonya sa Malacañang nitong Miyerkoles ng hapon, inihayag ng Pangulo na mayroon siyang napangakuan ng kanyang suporta kapag tumakbong vice presidente sa darating na eleksiyon.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa Pangulo, naibigay na niya ang commitment ng suporta kay Leyte Rep. Martin Romualdez matapos itong kausapin ng masinsinan na huwag nang makigulo sa agawan sa Speakership ng Kamara.

“Ang deal ko sa kanya ganito: `Wag ka na lang maghabol diyan at next elections which is just around the corner if you run for vice president I will support you. I will hold on that commitment,” sabi ng Pangulo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.