Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte maraming proyektong iiwanan sa PH

0 285

Mag-iiwan umano ng malaking pamana sa mga infrastructure project ang kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatapos ng termino nito sa 2022.

Sa isang press conference nitong Biyernes, sinabi ni Presidential Adviser for Flagship Programs Vivencio Dizon na may 119 infrastructure project ang pamahalaan na nagkakahalaga ng mahigit P4.7 trilyon.

Aniya, 11 sa mga nasabing proyekto na nagkakahalaga ng P127 bilyon ay tapos nang ipagawa habang sa susunod naman makumumpleto ang 29 na iba pa na nasa P238 bilyon ang pondo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Not only they will be giving a legacy of completed projects by the time President Duterte ends (his term) in 2022, but they will also be leaving behind a legacy of projects, big-ticket projects that are ready to go,” ani Dizon.

Sa ngayon aniya ay nakumpleto na sa ilalim ng Build, Build, Build program ang 212 airport project, 446 seaport, 10,376 imprastraktura kontra pagbaha, mga kalsada at tulay sa iba’t ibang panig ng bansa. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.