Abante Tonite Interactive

Duterte mas arogante — Joma

8

Binuweltahan ng naka-exile na communist leader­ na si Jose Maria Sison kahapon si Pangulong Rodrigo­ Duterte at tinawag itong arogante.

“It is more arrogant of him to give ultimatum [for CPP to declare ceasefire],” ani Sison sa panayam ng GMA News via Skype.

Magugunitang kinutya ni Duterte noong Biyernes ang puwersa ng Communist Party of the Philippines (CPP), at sinabi nitong kung umasta ang mga rebelde­ sa pakiwari umano ng mga ito ay sila ang puwersang dapat katakutan.

Ayon pa sa Pangulo, ang mga CPP-backed candidates sa Davao ay hindi mananalo sa halalan kund­i dahil sa suporta ng kanyang partido.

Sinabi rin ni Duterte na hindi umano dapat magyabang si Sison lalo at hindi naman nito kayang magpanalo kahit na isang barangay.

“Akala mo sino magsalita hindi nga makapanalo ng barangay, ang style bandido,” pahayag ni Pangulong Duterte sa pagbisita nito sa 3rd Infantry Division sa Roxas City, Capiz.