Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte may freedom of speech din – Andanar

0 452

Mayroon ding kalayaan si Pangulong Rodrigo Duterte para sabihin kung anong gusto niyang iparating sa kanyang State of the Nation Address (SONA), ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Sinabi ito ng kalihim nang matanong sa kanyang opinyon hinggil sa mga pahayag ng Pangulo laban kay Senate Minority Leader Franklin Drilon sa ikalimang SONA noong Hulyo 27.

“Personal na opinyon ni Presidente `yon, ito ay ang kanyang State of the Nation Address which is his own prerogative kung anong sasabihin niya,” ayon kay Andanar sa eksklusibong panayam sa `Patrolya Probinsya’ ng Abante Radyo Tabloidista.

Aniya pa, kahit naman ang ibang Pangulo ng bansa ay nagkakaroon din ng `sundot’ sa ibang tao at hindi lamang si Duterte.

“Wala tayong magagawa kung mababanggit `yan ni Presidente, the same way na `yong mga nakaraang presidente `di naman bago na `yan, may mga binabanggit din… mayroon din silang nabibigyan ng sundot,” sabi ni Andanar.

Bukod pa dito, hindi rin naman aniya nawalan ng freedom of speech si Pangulong Duterte kahit pa ito’y naging presidente ng bansa.

“Kasama `yan ng ating demokrasya, `yong ating freedom market space of idea… hindi naman porket Presidente titigil na ang kanyang freedom of expression,” aniya pa.

Matatandaan na sa SONA ng Pangulo ay binanatan nito si Drilon dahil sa naging pahayag na magkaugnay umano ang oligarko at political dynasty. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.