Abante Tonite Interactive

Duterte may mga sisibakin na opisyal

By
0 168

Mayroon na namang nakalinyang mga opisyal ng gobyerno na madadagdag sa listahan ng mga sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinahayag ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Cauayan City, Isabela nitong Miyerkoles.

Aniya, mayroong panibagong grupo ng mga opisyal ang nakatakda niyang sibakin sa puwesto dahil sa korapsyon.

Sinabi ng Pangulo na wala siyang magagawa kundi sibakin ang mga ito dahil hindi sumunod sa kanyang patakaran sa gobyerno.

“I will be firing another set of officials. I’m sorry. Mahirap. ‘Yan lang ano ko if you want to help me run the government at ‘yung programa ko,” anang Pangulo.

Gayunman, hindi nagbigay ng dagdag ang Pangulo kung sino ang mga opisyal na nakalinyang masibak sa puwesto.