Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte, mga senador sabayang turukan – Duque

0 358

Susubukan umano ni Health Secretary Francisco Duque III na kumbinsihin si Pangulong Rodrigo Duterte na magpaturok ng COVID-19 vaccine sa harap ng publiko, at sasabayan pa ang mga senador.

Sa ikatlong pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa vaccination program ng gobyerno, tinanong ni Senador Nancy Binay si Duque kung nakahanda ba itong kumbinsihin ang pangulo na magpabakuna sa harap ng publiko para makuha ang tiwala ng mga ito.

“We will try our best to convince the president to perhaps publicly allow himself to be vaccinated but we will respect his ultimate decision whatever it is,” sagot ni Duque sa tanong ni Binay.

Tinanong ito ni Binay kaugnay ng lumabas na Pulse Asia survey kung saan 50 porsiyento ng mga Pinoy ay nag-aalangang mabakunahan laban sa COVID-19.

Tinanong din ni Binay si Duque kung may mga celebrity endorser endorser ng COVID-19 vaccine para sa programa at pabirong sinabi ng kalihim na iimbitahan nila ang senador, gayundin si Senate President Vicente Sotto at iba pa para maunang magpabakuna.

“Si Senator Nancy Binay po siguro ang aming aanyayahan kung pwedeng magpabakuna. Si Senate President Sotto, lahat po ng mga senador, sasabayan po namin kayo,” sabi ni Duque.

Sabi naman ni Sotto, nakahandan naman siyang mauna basta’t walang magkukuwestiyon sa kanya sa oras na gawin niya ito.

“Payag akong mauna as long as walang aangal, baka may aangal na naman ‘pag nagpapauna ako e,” sambit ng lider ng Senado. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.