Abante Tonite Interactive

Duterte muntik ma-set up ng 2 water company

451

Mas nakabuti umano ang ginawang pagharang ni Senador Bong Go sa planong pakikipagkita ng dalawang water concessionaire kay Pangulong Rodrido Duterte na maaari umanong magamit na ‘ground’ o basehan para madismis ang apela ng gobyerno sa Singapore-based Permanent Court of Arbitration.

“We laud the action of Senator Bong Go in rebu­king water companies request to meet with President Duterte because they cited government interfe­rence as grounds to win the arbitration suit against the Phi­lippine government, and now thay are doing it again asking for a meeting that they could use as political pressure fo the arbitration committee to dismiss the appeal,” sabi pa ng source sa Abante Tonite.

Plano umanong gawing confidential ang arbitration ruling ayon na sa kahilingan ng dalawang water companies at ang anumang gagawing pakikipag-usap ng gobyerno ay magiging basehan ng kanilang tagumpay.

Samantala, sa pinakahuling report, nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makausap ang mga may-ari ng Maynilad at Manila Water, pati ang mga abogado ng gobyerno na gumawa ng kuwestiyonableng kontrata na naging disadvantageous sa gobyerno at sa mga Pilipino. (Nancy Carvajal/Aileen Tali­ping)