Abante Tonite Interactive

Duterte nadismaya sa palpak na smoking ban

By
174

Dismayado si Pangulong Rodrigo Duterte sa mahinang resulta ng ipinatupad na smoking ban sa mga pampublikong lugar.

Sinabi ng Pangulo na halos walang pagbabago dahil kahit mga murang edad ay humahawak na ng sigarilyo.

Patunay aniya na marami pa rin ang ma­lakas manigarilyo at kahit aniya tinaasan na ang buwis sa sigarilyo at alak ay malaki pa rin ang kita ng gobyerno mula sa buwis.

“Kita mo ngayon yang new generation, pati mga batang babae naninigarilyo. There is no improvement. Nakikita namin sa sin taxes, taasan mo na ang buwis, ang kita malakas pa rin pati yung koleksiyon ng gobyerno,” anang Pangulo.

Matatandaang naglabas ng direktiba ang Presidente mahigit dalawang taon na ang nakaraan na nagbabawal manigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Gayunman, tila wa­lang ngipin ang mga otoridad sa implementasyon dahil marami pa rin ang naninigarilyo sa loob ng jeep, restaurant, palengke at maging sa kalsada.

Dahil dito kinalampag ng Pangulo ang mga pulis na hulihin ang mga makikitang naninigarilyo sa pampublikong lugar.

“Kayong mga pulis, paghulihin n’yo ang mga tambay na nakakamiseta lang na naninigarilyo. Ang papangit, ang babaho pa!,” atas ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na walang mahihita sa panigarilyo kundi emphysima o kaya ay cancer na magiging daan ng maagang kamatayan.