Duterte nag-donate ng 1 buwang sweldo

776

Ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang donasyon ang kanyang 1 buwang sweldo sa ginagawang paglaban ng pamahalaan sa coronavirus pandemic.

Ito ay matapos ianunsyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na mayorya ng mga Cabinet member ang boluntaryong nag-donate ng 75 porsiyento ng kanilang suweldo ngayong Abril hanggang Disyembre para Covid crisis.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nag-donate din ang mga Assistant Secretary ng mga tanggapan ng Office of the Chief Presidential Legal Counsel at maging siya ay sumama na rin sa donate sweldo kung saan 10 percent ng kanilang kita ay mapupunta sa Office of Civil Defense ngayong buwan .

“Other officials with the rank of secretaries are similarly giving portions of their respective salaries to boost the collective fight against the dreadful disease,” sabi nito.

Natuwa umano ang Pangulo sa ginawang hakbang ng legislative at judicial branch na may kani-kanilang programa kung paaano makakatulong sa laban kontra sa viral disease. ( (Prince Golez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...