Abante Tonite Interactive

Duterte nag-referee sa gulo sa BBL

By
0 1,029

Nalutas na ang deadlock sa Bica­meral Conference Committee matapos magkasundo ang mga mambabatas na ipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) na matagal ng nakatengga sa Kongreso.

Ito ay makaraang mamagitan si Pangulong Rodrigo Duterte sa bica­meral committee meeting na ginanap sa Malacañang kahapon, matapos na magkainitan ang mga mambabatas sa ilang probisyon ng panukala.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakumbinsi ng Pangulo ang dalawang kapulungan ng Kongreso na i-adopt ang House version ng BBL kung saan isinama ang anim na munisipalidad ng Lanao del Norte at 39 na barangay ng North Cotabato sa bagong teritoryo ng Bangsamoro.

Pagpapasyahan ito sa mamamagitan ng isang referendum.

Kabilang sa mga bayan na kasama sa bagong teritoryo ng Bangsamoro ay ang Tagoloan, Baloi, Pantar, Munai, Tangcal at Nunungan.