Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte nag-sorry na tinuloy pa rin face shield

0 130

Humingi ng dispensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sa pagbawi sa planong alisin na ang paggamit ng face shield.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na hindi niya maaaring ipagsapalaran at ikompromiso ang kaligtasan ng mamamayan laban sa mabagsik na Delta variant.

Magpapatuloy aniya ang paggamit ng face shield dahil hindi kakayanin ng gobyerno na magkaroon ng second wave ng COVID infection sa bansa.

“I will apologize to the Filipino people, but this thing was being duscussed openly and many thought that we were ready to do away with it. We go back the normal, before. So balik lahat,” anang Pangulo.

Nilinaw ni Duterte na hindi pa pinal ang desisyon nito na alisin na ang pagsusuot ng face shield nang banggitin ang plano sa mga lider ng Kongreso.

Hindi aniya kakayanin ng gobyerno na magkaroon ng second wave sakaling tumaas ang kontaminasyon hatid ng Delta virus dahil nasagad na ng husto ang pera ng gobyerno.

“When i mentioned about the face shield, I was only shooting the breeze with the congressmen, the members of Congress who were there. I never said with finality that we will do away with the face shield,” dagdag ng Pangulo. ( Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.