Abante Tonite Interactive

Duterte nagbabala vs ISIS attack sa Zamboanga

223

Nangangamba si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad na makarating hanggang sa Zamboanga ang paghahasik ng teroristang ISIS sa Mindanao.

Sa harap na rin ito ng naganap na pagpapasabog ng isang suicide bomber sa Talipao, Sulu noong nakalipas na linggo.

Sinabi ng Pangulo na nanlalamig ang kamay niya kapag naiisip na sa ibang lugar naman maghahasik ang mga terorista.

“Takot ako sa lahat, itong ISIS. Baka ga­ling Talipao diyan sa Jolo, mag-akyat ‘yan ng Zamboang­a tapos… it gives me a sweaty palm,” anang Pangulo.

Ginawa na aniya ito ng mga terorista sa Davao kung saan nagpasabog sila sa night market at marami ang mga nasawi at nasugatan.

Ang pinangangambahan ng Pangulo ay ang paggamit ng car bomb ng mga terorista at iparada sa mataong lugar.

Pero magkakasubukan aniya kapag ginawa ito ng mga teroristang grupo.

“They have done that in Davao. ‘Yung i-parking nila isang truck diyan puno ng TNT tapos… diyan talaga tayo magkasubukan,” dagdag pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)