Abante Tonite Interactive

Duterte nagpaliwanag sa mga bagong barya at salaping papel

By
1,393

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang sumagot sa reklamo ng publiko kaugnay sa mga nakakalitong bagong di­senyo at laki ng mga barya at salaping papel na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa ginanap na presentasyon ng mga bagong henerasyon ng perang papel at barya sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Duterte na kailangang gawin ito dahil ito ang nakasaad sa batas.

Layon aniya nito na mapahusay ang security features ng mga bagong salapi para hindi ito mapeke at para mapatibay ito.

“There is a need to change the design of banknotes and coins because the law requires us to do so. This is to enhance its security features as well as to prevent forging and improve durability. Initiatives like this are meant to promote public trust and confidence in our financial system,” anang Pangulo.

Hiniling din ng Pangulo sa publiko na tanggapin ang mga bagong serye ng mga barya at perang papel at maging matalino at responsable sa paggamit ng mga ito para sa pagsulong ng bansa.

Nanawagan din si Pangulong Duterte sa BSP na pigilan ang mga iligal na aktibidad dahil nagiging balakid ito sa pagsusulong sa integridad ng salapi ng bansa.

Inatasan ng Pangulo ang BSP na paigtingin ang mga programa at kampanya laban sa mga namemeke ng salapi para maprotektahan ang mamamayan sa kalituhan at pandaraya ng mga sindikatong sangkot sa pamemeke. (Aileen Taliping)