Abante Tonite Interactive

Duterte nagpapa-recruit ng 35 Army battalion

941

Nais ni ­Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng ­malaking hukbong ­sandatahan sa kanyang giyera ­laban sa mga ­rebelde at ­terorista.

Inatasan ng ­Pangulo si Defense Secretary ­Delfin Lorenzana na ­pabilisin ang pagre-recruit ng mga sundalo para makabuo ng 35 batalyon.

“We need men and as a matter of fact I have ordered ­Lorenzana to move faster sa ­creation ng mga bagong ­battalion sa Army. We need — I need about… Ideally I need about 35. But I could — I would be ­happy with 20 in the meantime,” sabi ng Pangulo.

Mas malaking ­bilang ito kaysa dating ipinahayag ni Pangulong Duterte na 10 bagong batalyon ng mga ­sundalo at lima pang batalyon para naman sa Special Action Force.

Ang isang ­batalyon ay binubuo ng 300 hanggang 500 sundalo.

“We are fighting the terrorists, ‘yung Abu Sayyaf. I’m losing my soldiers.

It is ­expected. Pero ­nawa-wallop ­naman sila. I think ­my decision to send an ­entire ­division there… Kasi noon ­sporadic pero there was no clear advantage for ­government,” sabi ng Pangulo.