Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte nagpaturok ng Sinopharm

0 350

Nabakunahan na si Pangulong Rodrigo Duterte kontra COVID-19 nitong Lunes ng gabi.

Sa video na inilabas sa Facebook page ni Senador Bong Go, makikita si Health Secretary Francisco Duque III na siyang nagturok ng bakuna sa Pangulo.

Bago ito tinurukan ay kinumusta muna ni Duque ang Pangulo na sinagot naman nito na maayos siya.

“I feel good and I have been expecting this shot, vaccination a long time ago and it was talking a private doctor a long time to make the assessment. And she has chosen Chinafarm (Sinopharm). So Sinopharm itong itinuturok sa akin,” sabi ng Pangulo.

SM food to go Banner Ad

Pinili ng Pangulo na magpaturok ng Sinopharm vaccine kahit pa nauna nang dumating sa bansa ang ibang brand ng bakuna katulad ng Sinovac, AstraZeneca at Sputnik V ng Russia.

Kinumpirma naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang unang dose ng bakuna ni Pangulong Duterte sa pamamagitan ng Sinopharm vaccine.

“This confirms that PRRD received his first dose tonight of the Sinopharm COVID-19 vaccine. His first dose was covered by the Compassionate Use Permit issued to the PSG hospital by the FDA,” ani Roque.

Sinabi naman ni Senador Go na nagpabakuna ang Pangulo hindi lamang para protektahan ang kanyang kalusugan mula sa COVID-19 kundi upang hikayatin ang publiko na magpabakuna. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.