Abante Tonite Interactive

Duterte namigay ng bahay sa sumukong NPA

266

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng mga bagong housing unit sa 34 na mga da­ting miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Cuambogan, Tagum City Martes nang hapon.

Sa isang seremonya na ginanap sa Freedom Residences sa Tagum City, personal na iniabot ng Pangulo ang titulo ng mga bagong bahay sa mga dating NPA.

Bukod sa bagong house and lot ay binigyan din ang mga nagbalik-loob na mga rebelde ng tulong pangkabuhayan para sa kanilang tuluyang pagbabago.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na titiyakin ng gobyerno na makakapamuhay nang disente ang mga rebel returnee at aalalayan sa kanilang pagbabagong buhay.

Sinaksihan din ng Pangulo ang demilitarisasyon sa mga isinukong armas ng mga dating rebelde.

Kabilang sa mga tumanggap ng mga bagong house and lot ay sina Marion Hagmoc, Juanito Latiban at Liza Dabis, mga dating mi­yembro ng Pulang Bagani Command ng NPA sa Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao del Norte. (Aileen Taliping)