Abante Tonite Interactive

Duterte namudmod ng P50K sa mga January celebrant ng Marine

0 337

Pinasaya ni Pangulong Rod­rigo Duterte ang mga miyembro ng Phi­lippine Marine Corps (PMC) matapos mamudmod ng tig-P50,000 sa mga may kaarawan nga­yong E­nero.

Naganap ito sa pagbisita ng Pa­ngulo sa PMC headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City nitong Lunes nang gabi.

Dalawang grupo ang binigyan ng Pangulo ng pa-birthday. Una sa mga sundalong may kaarawan ng Enero 13 at mga sundalong magdiriwang ng araw ng kanilang kapanganakan ngayong buwan.

Bukod sa pa-birthday na pera mayroon pang kasamang nakabalot na regalo subalit hindi matukoy kung relo o cellphone ang laman ng mga ito.

Gayunman, binilinan ng Pangulo ang mga nakatanggap ng pera na ibigay ito sa kanilang mga asawa at huwag ipang-inom.

“Ibigay n’yo ‘yan sa mga asawa n’yo ha, huwag ninyong ipang-i­nom lang hindi porke’t birthday n’yo,” sabi ng Pangulo.

Sa nasabing aktibidad, pina­ngunahan ni Pangulong Duterte ang pagkakaloob ng parangal sa mga miyembro ng PMC na aktibong nakipag­laban noon sa mga tero­ristang pumasok sa Marawi City.

Ginawaran ng Order of Lapu-Lapu na may ranggong Kampilan at Kamagi ang mga sundalong nakipag­laban sa Marawi.

Kasama sa mga pinarangalan ni Pangulong Duterte ang mga sun­dalong nasugatan matapos makasagupa ang mga miyembro ng New People’s Army.

May 152 miyembro ng PMC ang nakatanggap ng parangal mula sa Pangulo.

(Aileen Taliping/Prince Golez)