Abante Tonite Interactive

Duterte nanguna sa pagwasak ng luxury cars, smugglers isusunod

By
Aabot sa P61,626,000 halaga ng 20 smuggled luxury cars ang sinira sa Port Area, Maynila. Sa Harap Mismong ni Pangulong Rodrigo Duterte nasaksihan niya ang pagsira ng mga mamahalin bagama’t used o may kalumaan ng mga sasakyan kasabay ng ika-116 na na taong anibersaryo ng Bureau of Customs (BOC)
7,607

Binalaan ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte ang mga sindikato sa Bureau of Customs (BOC) na itigil ang kanilang iligal na operasyon sa panahon ng kanyang panunungkulan kung ayaw maperwisyo ng mga ito.

Ang babala ay ginawa ng Pangulo sa ika-116 anibersaryo ng BOC, kung saan personal na sinaksihan nito ang pagwasak sa 19 na mga smuggled na luxury cars sa South Harbor, Port Area, Maynila.

Sinabi ng Presidente, na dapat matigil ang ganitong uri ng raket dahil napakatagal na itong nangyayari sa bansa kaya’t huwag gawin sa kanyang panahon.

Kaya aniya hindi siya pumayag na isubasta ang mga nakumpiskang puslit na mga sasakyan dahil baka ang sindikato rin lang ang makabili at muling mag-i-import ang mga ito.

“And the smuggling… this has been going on… ang history natin is for centuries na. Even the Customs, is more than a century. This kind of raket has been going on again and again and again over a period of centuries. Well it has to stop.”litanya ni Digong.

“Ayaw kong ipagbili, kasi kung ipagbili ko, consigned to a fictitious person igagarahe lang ninyo lang diyan, and when the time comes, they are sold to an auction, ‘yung auction diyan sa opisina itatawag lang sa isang sindikato dito, siya lang ‘yan. Wala pa naman akong nabasa sa newspaper na may auction. Gusto ko ring bumili maski second hand. Wala. Then again, mag-import na naman itong mga unggoy na ‘to. Pu**** a, huminto kayo!” babala ng Pangulo.

Bukod sa 19 na winasak na na mga sasakyan sa Port Area, magkasabay ding winasak ang pitong luxury cars sa Davao City Port habang tatlo naman sa Cebu port.

Kabilang sa mga dinaanan ng bulldozer ay Mercedez Benz, Lexus, Corvette Stingray, Ford Explorer, Jaguar , Audi S at iba pa. ()