Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte nanindigan uli sa China

0 230

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa mapayapang resolusyon sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Sa kanyang talumpati sa ginanap na 37th ASEAN Plenary nitong Huwebes, giniit ng Pangulo na dapat resolbahin ang mga gusto sa South China Sea sa mapayapang paraan base sa international law, kabilang na dito ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

SM food to go Banner Ad

Binanggit pa ni Pangulong Duterte ang panalo ng Pilipinas sa arbitral case laban sa China. Aniya, hindi puwedeng balewalain na lamang ang desisyon ng arbitral tribunal noong 2016.

Subalit tiniyak ng Pangulo na kaisa ng ASEAN ang Pilipinas sa hangarin na gawing maging mapayapa at maunlad ang mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea para sa kapakanan ng lahat.(Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.