Abante Tonite Interactive

Duterte napuyat sa pag-monitor ng baha

By
340

Humingi ng dispensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bisita sa Malacañang matapos maantala ang pa­nunumpa ng mga bagong opisyal ng gobyerno sa Malacañang, kahapon.

Bago magsimula ang aktibidad ay nagpaliwanag ang Presidente dahil kulang aniya siya sa tulog dahil nagbantay at nag-monitor sila sa mga kaganapan sa malawakang pagbaha sa Metro Manila.

“Give us some allo­wances for the delay. You know I have been monitoring the situation the other night and medyo kulang kami ng tulog but I think everything is alright,” anang Pangulo.

Bago ang mass oath taking ay magsasagawa sana ang Presidente ng aerial inspection sa mga binahang lugar sa Metro Manila at ilang bayan sa lalawigan ng Rizal su­balit kinansela dahil sa masamang panahon.

Nauna nang inatasan ng Pangulo ang kanyang special assistant na bisitahin ang mga evacuee kahapon ng madaling-araw para tingnan ang kanilang kondisyon at pangangailangan sa mga evacuation center partikular sa Marikina City.