Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte nauubos mga kababata sa COVID

0 59

Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanan na ipagpatuloy ang mga ginagawang pag-iingat laban sa COVID-19.

Sa kanyang talumpati sa isang aktibidad sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na dahil sa bagsik ng COVID-19 ay nauubos na ang mga kababata nito sa probinsiya at hindi nakaligtas sa pandemya.

Mahalaga aniyang panatilihin ang pag-iingat dahil hindi biro ang peligrong dulot ng COVID-19.

“Just be careful kasi talagang marami na akong kilala na namatay. Sa probinsiya ko, mga kababata ko nauubos na…lahat. Be careful really,” sabi ng Pangulo.

“This COVID is a, `yan ang binigay ng I don’t know which god, `yan ang binigay, every generation has a calamity like this. Ito it will stay, it is how you live with it. It will be here for the longest time so learn to live with it,” dagdag ng Pangulo.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.