Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte niregaluhan ng bahay ni Quiboloy

0 24

Nais manirahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bahay na niregalo sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy sakaling magretiro na siya.

Inihayag ito ng Pangulo sa panayam sa kanya ni Quiboloy nitong Martes, Hunyo 8, sa Davao City.

“I’d like to add something, Pastor, I hope I do not offend you. Alam mo, alam mo saan ako gustong magtira? Iyong bahay na binigay mo. Itong mga — itong mga Trillanes akala siguro talaga na ‘yong bahay na binigay mo, sabi mo pag-retire mo may matirahan ka, iyon ang sabi sa akin ‘yong gabi na ‘yon na dinala mo ako doon. Iyon, doon siguro ako titira,” sabi ng Pangulo.

Ayon kay Pangulong Duterte, ginamit pa ni dating senador Antonio Trillanes IV at iba pang kritiko ang niregalo sa kanya ni Quiboloy para paratangan siya na kurakot.

Paliwanag naman ng Pangulo, wala pa sa kanyang pangalan ang naturang bahay dahil nasa developer pa ito, at gagamitin niya lamang ito kapag siya’y nagretiro na.

“Bakit ko ilagay na hindi ko pa man — hindi pa ako nag-retire eh ang usapan namin ni Pastor, pag-retire ako doon ako titira,” sabi ng Pangulo.

Dumepensa naman si Quiboloy at sinabing niregaluhan niya ang Pangulo dahil sa pagiging magkaibigan nila.

“That is our friendship. Sila naman sinasabi, `that’s graft’,” sabi ni Quiboloy. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.