Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte nirerepaso ang Bayanihan 2

0 90

Posibleng sa susunod na linggo pa lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang ganap na maging batas ang Bayanihan to Recover as One Bill o Bayanihan 2.

Ito ang inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo sa harap ng pag-aabang ng publiko sa magiging aksiyon ng Pangulo sa Bayanihan 2 dahil nirerepaso pa umano ito para makasiguro na hindi magkaroon ng problema sa sandaling ipatupad ang mga probisyon nito.

“Ang pagkakaalam natin ay baka middle of September. Nirerepaso pa ni Presidente,” ani Panelo.

Nakapaloob sa Bayanihan II ang stimulus package ng gobyerno para makabangon ang bansa at ang ekonomiya mula sa pagkalugmok dahil sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic sa bansa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.