Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte: NPA libre sa bakuna kung tigil-giyera

0 351

Mabibigyan ng libreng bakuna ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) kung tatahimik ang mga ito at titigil sa pakikipagbakbakan ngayong may pandemya.

Ito ang paniniyak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang public address.

“If you stop fighting for a while during the period or until December, kasi my soldiers will be busy monitoring, supervising, ‘wag lang niyong galawin, puwede kayong sumali, pumila doon,” paanyaya pa ng Pangulo.

“And even if you announce that you are an NPA, it’s okay. Wala munang… pagamot ka muna, pa-vaccinate ka, para mahusay kang lumaban sa puwersa ko,” sambit pa nito.

Gayunman ay nilinaw ng Chief Executive na hindi unilateral ceasefire ang kanyang sinabi sa mga rebelde na huwag atakihin ang mga sundalo at hayaan ang normal na proseso sa pagtulong ng bansa.

“As a matter of humanity, because it is not our money, and because you are a Filipino, okay lang sa akin,” ayon kay Pangulong Duterte.

Leave A Reply

Your email address will not be published.