Abante Tonite Interactive

Duterte pakakainin ng pustiso si Joma

By
0 454

Isinara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pintuan para kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison.

Sa kanyang talumpati sa Presidential Award for Child Friendly Municipalities and Cities sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na dapat ibaba na ng mga rebelde ang kanilang armas at makipag-usap sa gobyerno.

Pero hindi aniya sa lider nila na si Jose ­Maria Sison dahil wala namang nangyayari, bagkus ay nagmumukha pa ring mga bata na nagbabatuhan ng insulto.

Pinayuhan ni Pangulong Duterte si Sison na huwag na lamang umuwi sa bansa dahil kapag nagpilit ito ay makakatikim ng sampal at ipapa­kain pa ang pustiso nito.