Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte palaban sa resbak ng mga drug lord

0 72

Hindi natatakot si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng resbak sa kanya ng mga sindikato na nasagasaan ng inilunsad na giyera kontra ilegal na droga sa buong bansa.

Ipinahayag ito ng Pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Cainta, Rizal noong Martes kung saan sinabi nito na wala naman siyang nakuha mula pinaigting na kampanya laban sa droga kundi ang galit sa kanya ng mga kalaban.

Sa kabila nito, nakahanda umano siya kung may gustong maghiganti laban sa kanya.

“Pero anong nakuha ko? Pababa na ako. Anong mabaon ko? Kindly tell. Galit. `Yong gustong gumanti. Sige, hintayin ko kayo. Wala akong makuha. Ginawa ko lahat iyan para sa bayan,” sabi ng Pangulo.

Hindi aniya ganoon kadali na makakita ng mga napapatay na sangkot sa ilegal na droga subalit mas hindi niya masikmuta na maraming pamilya ang nawawasak kapag mayroong isang miyembro na nalulong sa droga.

“Galit talaga ako sa droga. Huwag kayong pumasok diyan. Ngayon, nakikinig man ang human rights. Kung ayaw mo itong pangyayaring ito. Drop, bitawan mo ang droga,” ayon kay Pangulong Duterte.

Leave A Reply

Your email address will not be published.