Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte panakot lang pagtakbong VP

0 71

Pantakot lamang sa mga kalaban sa politika ang planong pagtakbo sa pag-bise presidente sa 2022 elections.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular ‘Talk to the People’ sa harap ng mga agam-agam at planong pagkuwestiyon sa Korte Suprema ng ilang grupo sa plano nitong pagtakbo muli sa darating na eleksiyon.

Sinabi ng Pangulo na kung makabubuti para sa bansa ay gagawin niya, pero kung hindi naman makakatulong ay huwag na lang ituloy dahil magsasayang lamang ito ng oras.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ako naman ‘yung vice-president ko pantakot lang sa kanila yan. But sabi ko, let us see if it is good for the country, I will do it. If it does not contribute anything to our Republic, then huwag na lang,magsasayang lang tayo ng oras pati you contribute to the conundrum of the moment,” anang Pangulo.

Naunang inihayag ng Presidente na ikinokonsidera nito ang pagtakbo sa pagka-pangalawang pangulo para maipagpatuloy ang mga nasimulang kampanya sa gobyerno partikular sa iligal na droga at korapsiyon.

Pero kung hindi naman aniya kakampi ang susunod na Presidente ay mas mabuting huwag na lang itong ituloy. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.