Abante Tonite Interactive

Duterte pangungunahan ang Boao business forum

255

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Boao Forum for Asia (BFA) na gaganapin sa Maynila simula ngayong Lunes hanggang bukas, Abril 23.

Ang forum na may paksang ‘Concerted Action for Common Development in the New Era’ ay dadaluhan ng 300 Filipino at Chinese business leader upang pag-usapan ang mga investment opportunity sa pagitan ng Pilipinas at China.

Sina Pangulong Duterte at forum secretary general Li Badong ang magbibigay ng keynot speech sa pagbubukas ng dalawang araw na business forum sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Abante Hiring – IT dep

Ipinangalan ang forum sa Boao, isang ba­yan sa Hainan province ng China at itinuturing na counterpart ito ng World’s Economic Forum na ginaganap kada taon sa Davos, Switzerland.