Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte papatayin mga tulak kahit `di na presidente

0 59

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga nagpapakalat ng ilegal na droga sa bansa na mayroong kalalagyan ang mga ito kahit tapos na ang kanyang termino.

“Maski hindi na ako presidente, papatayin ko talaga kayo,” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati nang bisitahin ang Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital sa San Fernando City, Pampanga noong Linggo ng hapon.

Sa kanyang pagsasalita, binanggit uli ni Pangulong Duterte ang mga dahilan kung bakit labis ang kanyang galit sa mga nagtutulak ng droga.

Sinabi nito na maraming pamilya at buhay ang nawawasak dahil sa ilegal na droga at pati ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa ay apektado “Pag-uwi dito, makita niya ang anak niya, adik, `yongisa naging prostitute na… Iyan ang — ‘yan ang hindi ko matanggap, masakit sa akin ‘yan. Masakit sa akin ‘yan. They work overtime,” sabi ng Pangulo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.