Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte patuturok lang kung Russia o China vaccine

0 84

Kinakailangang pumili si Pangulong Rodrigo Duterte kung anong bakuna ang ipatuturok sa kanya laban sa COVID-19.

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng kagustuhan aniya ng Pangulo na magpaturok pareho ng bakunang mula sa China at Russia.

“What the President has said repeatedly gusto nga niyang magpabakuna ng Chinese and Russian, which is even if I’m not a doctor, parang hindi ang sagot ko. So he will have to choose if he wants Chinese or he wants the Russian,” ani Roque.

Pero dahil mauuna ang Chinese vaccine, sinabi ni Roque na posibleng unahin ito ng Pangulo para ipakitang ligtas gamitin taliwas sa malamig na pagtanggap ng mga Pilipino sa bakunang gawa ng China. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.