Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte personal na dadalo sa SONA – Roque

0 338

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na personal na pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasan Pambansa sa Quezon City para sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).

“I can confirm for the first time that the President will be physically present in Batasan pagdating ng SONA sa July 27. Naka-schedule ang rehearsal at patuloy ang preparasyon,” sabi ni Roque nitong Lunes.

Nilinaw din nito na 50 mambabatas lamang ang papayagan sa loob ng Batasan para dumalo sa SONA ni Pangulong Duterte.

“I can confirm na sa panig ng mga mambabatas 50 lang ang suma total. Hindi ko alam kung makakasama ang ilang miyembro ng Gabinete. Sana po ilan sa amin makasama,” ayon pa kay Roque. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.