Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte pinabilis proseso sa COVID vaccine

0 110

Nagbigay na ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte sa Food and Drugs Administration (FDA) para maglabas ng Emergency Use Authorization (EUA) sa paggamit ng bakuna kontra COVID-19.

Batay sa Executive Order No. 121 na nilagdaan ng Pangulo nitong Disyembre 1, 2020, binigyan nito ng pahintulot ang FDA director general na maglabas ng EUA kaakibat ang ilang kondisyon.

Kinakailangang matiyak na ligtas at hindi malalagay sa panganib ang mga bibigyan ng bakuna; dapat masigurong epektibo ang bakunal at walang ibang alternatibong gamot o bakuna para magamit na pangontra sa COVID-19.

SM food to go Banner Ad

Magiging epektibo lamang ang EUA sa buong panahon ng idineklarang public health emergency dahil sa COVID-19 pandemya.

Mahigpit na imo-monitor ng FDA at ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng bakuna at inatasan din na magsumite ng buwanang report sa Pangulo sa sandaling maipatupad na ang EUA.

Layon ng EUA na paikliin ang proseso sa pag-apruba ng bakuna na gagamitin ng mamamayan na mula sa anim na buwan ay magiging 21 araw na lamang. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.