Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte pinabilisan mga water infra project

0 355

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang kautusan upang bilisan ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno ang pagrepaso at pag-apruba sa mga water infrastructure flagship project sa bansa.

Base sa Administrative Order No. 32 na nilagdaan ni Duterte noong Miyerkoles, inatasan ang Presidential Adviser for Flagship Programs and Projects at ang National Economic and Development Authority (NEDA) na makipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno para masiguro ang agarang paglalabas ng mga lisensya, clearance, permit, sertipikasyon o ano pa mang otorisasyon para sa mga proyektong may kinalaman sa water security.

SM food to go Banner Ad

Inatasan naman ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) na i-monitor at repasuhin ang pagsunod ng mga ahensya ng gobyerno sa mga umiiral na batas at mag-isyu ng notice of warning sa mga pasaway na opisyal o empleyado ng pamahalaan.

Nilabas ng Pangulo ang kautusan dahil sa matagal umanong pag-apruba sa mga water infrastructure flagship project.

Sa kanyang kautusan, ituturing nang aprubado ang mga aplikasyon para sa lisensiya o sertipikasyon kapag hindi ito inaksyonan agad ng kaukulang ahensya. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.