Abante Tonite Interactive

Duterte pinag-iisipan ang lockdown extension – Panelo

472

Kasalukuyang pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “best option” para matugunan ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19),

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, magpapasya sa lalong madaling panahon ang Pangulo kung palalawigin pa ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

“The President is all ears and eyes on this unfolding reality and expert opinions. He is evaluating the best option to take that will effectively insure the success of our war against this wily and faceless global enemy,” sabi ni Panelo.

Sinabi pa ng kalihim na may “emerging consensus” mula sa mga medical expert, mga negosyante at mga opisyal ng pamahalaan na kinakailangan pa palawigin ng dalawang linggo ang lockdown para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

“In the meantime, we call on our countrymen to be steadfast in our commitment to take care of each other in this imminent threat to our nation’s survival. With God’s grace, and our Bayanihan spirit, we will triumph,” ayon pa kay Panelo.

Tonite – Wendys Inhouse Ad