Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte pinakilos DOJ sa mga Rohingya refugee

0 57

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Justice (DOJ) na makipagtulungan sa United Nations (UN) High Commissioner on Refugee hinggil sa Rohingya crisis sa Myanmar.

Sa kanyang taped message sa High-Level General Debate ng 76th session ng UN General Assembly nitong Miyerkoles, sinabi ng Pangulo na inatasan niya ang DOJ para maghanda ng “cooperation program” para sa ilang Rohingya base sa tulong na kakayaning ibigay ng bansa.

“The Philippines has limited resources during these extraordinary times. But what we can do for humanity and to uplift human dignity, we will,” pahayag ng Pangulo.

Ilang beses na rin sinabi ni Pangulong Duterte na handa ang Pilipinas tumanggap ng mga Rohingya refugee. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.