Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte pinalawig ng 2 linggo MECQ sa NCR Plus

0 240

Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna o ‘National Capital Region Plus’ hanggang Mayo 14, 2021.

Sa public address ngayong gabi, Abril 28, sinabi ng Pangulo na ang mga siyudad naman ng Santiago sa Isabela, at mga lalawigan ng Quirino at Abra ay isasailalim din sa MECQ mula Mayo 1 hanggang Mayo 31.

Ilalagay naman sa mas maluwag na General Community Quarantine (GCQ) ang Apayao, Baguio City, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Quezon, Tacloban City, Iligan City, Davao City at Lanao del Sur.

Ang iba pang bahagi ng bansa ay mananatili sa modified GCQ. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.