Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte pinalawig ng 2 taon amnestiya sa amilyar

0 113

Pinalawig ng Malacañang ng dalawang taon ang amnestiya sa pagbabayad ng amilyar o estate tax makaraang mapaso ang amnestiya nitong Hunyo.

Pinirmahan ni Pangu­long Rodrigo Duterte kahapon, Hunyo 30, 2021 ang Republic Act 11569 na nagpapalawig pa ng dagdag na dalawang taon ang amnestiya sa pagbabayad ng amilyar mula Hunyo 15, 2021 hanggang Hunyo 14, 2023.

Napaso na nitong Hunyo 14, 2021 ang Republic Act 11213 o mas kilala sa tawag na atx amnesty act of 2019.

Dahil dito, inaasahang makakahinga na ang publiko sa pagbabayad sa amilyar, partikular ang mga maraming lupa at ari-arian sa harap na rin ng nararanasang epekto ng pandemya sa bansa at sa buong mundo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.