Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte pinalulusaw party-list

0 335

Iminungkahi umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na amyendahan o ‘di kaya’y papalitan na lang ang probisyon sa party-list system sa 1987 Constitution upang maresolba ang problema sa CPP-NPA, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

Sa ginawang pulong noong Nobyembre kung saan tinalakay din ang cha-cha, sinabi ni Duterte na dalawang aspekto lang ng Konstitutsyon ang gusto nitong isulong, ang party-lists system at economic provision.

“Ang malinaw na tinanong una ng Presidente pag-upo ay sinabi niya, ‘I want this problem with the CPP-NPA solved,” sabi ni Sotto.

“Sabi niya, ‘The best way is that we remove the party-list system or change it in the Constitution so we can call for a constituent assembly and amend that then, of course, samantalahin n’yo na, you can amend the economic provision,” dagdag nito.

Pero paglilinaw ni Sotto, suhestiyon lang umano iyon ni Duterte at hindi utos.

“Hindi order. He was suggesting. That was the word he used. I am suggesting that you look into the problem of party-list system so we can solve this problem with CPP-NPA,” sabi ni Sotto.

“He wanted the party-list system amended, resolved, or removed, ganun ang dating akin,” aniya. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.