Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte pinasara mga minahan sa Tawi-tawi

0 77

Ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mining activity sa Tumbagan Island sa Languyan, Tawi-Tawi.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na nababahala ang Presidente sa nakarating na ulat sa kanya na matinding napinsala at nasalaula ang Tumbagan Island dahil sa pagmimina.

SM food to go Banner Ad

Iniutos rin ng pangulo ang pagtatanim ng mas maraming puno para manumbalik ang dating ayos ng isla.

Inaasahan aniya ang mga ilalargang aksiyon ng gobyerno para malinawan at matukoy kung sino ang mga dapat na panagutin sa pagkasalaula ng isla sa Tawi-Tawi. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.