Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte pinatigil PhilHealth dagdag kontribusyon

0 72

Kinumpirma ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagpapaliban ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taas singil sa kontribusyon ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

“Dahil pandemic ngayon kaya defer muna increase sa PhilHealth,”ito umano ang pahayag ni Sen. Go kagabi.

Ayon pa kay Go dahil pandemya, obligasyon ng gobyerno na maalalayan ang taumbayan.

“Trabaho ng government na humanap ng paraan and to make easy for the people,”dagdag nito.
“Sinabi niya na kung may maipapasang batas ang lehislatibo na naglalayong ipatupad ang deferment, o kung may kailangang aprubahan na dagdag na pondo mula gobyerno para hindi maantala ang serbisyo ng PhilHealth, pipirmahan niya ito pagkatapos mapag-aralan ng mabuti,” dagdag pa nito.
Nauna nang sinabi ni Go na maaring ipagpaliban ang dagdag na kontribusyon sa PhilHealth sa pamamagitan ng isang probisyon sa panukalang Bayanihan 3.(Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.