Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte piniga PhilHealth sa utang

0 269

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nag-utos sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bayaran ang mga atraso ng ahensya sa mga pribadong ospital.

Ito ang direktiba ng Pangulo sa ginanap na virtual meeting ng gabinete nitong Huwebes.

“President Rodrigo Duterte directed the PhilHealth to expedite the payment of valid claims of hospitals today, April 8, 2021,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni Roque na agad namang tumugon ang liderato ng PhilHealth at inaprubahan ang Debit-Credit Payment Method (DCPM) para mapangasiwaan ang pagbabayad sa mga health care facility o HCF sa panahon ng public health emergency dahil sa COVID-19 pandemya.

Sa pamamagitan ng debit-credit payment ay makakasiguro umano ang gobyerno ng tuloy-tuloy na paghatid ng serbisyo ng mga ospital lalo na sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19.

Nauna rito ay nagpahayag ang samahan ng mga pribadong ospital sa bansa na napipilitan silang magbawas ng mga tauhan dahil hindi na sapat ang kanilang pondo sanhi ng hindi pa nababayaran ng PhilHealth ang serbisyong ibinigay nila sa kanilang mga pasyente.

Sinabi ni Roque na ang mga ospital na maaaring maka-avail sa debit-credit payment ay iyong mga nasa lugar na tinukoy ng National Task Force Against COVID-19 at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases katulad sa National Capital Region, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga at Rizal.

“These HCFs must likewise have no Interim Reimbursement Mechanism Fund balance on record. They must be attending to COVID-19 patients or providing the SARS-COV2 testing package and their accreditation is not suspended during the applicable period,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.