Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte pinukpok na DILG: Mga mayor panagutin sa bagal bakuna!

0 204

Pinakikilos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para kastiguhin ang mga mayor na mabagal sa pagpapatupad ng COVID-19 vaccination program sa kanilang mga nasasakupan.

Babala pa ng Pangulo na mananagot ang mga lokal na opisyal na mapapatunayang hindi ginamit ng maayos ang mga bakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang `Talk to the People’ na marami na ang dumarating na supply ng COVID vaccine sa bansa kaya dapat ay paspasan ang pagbakuna sa mamamayan para maabot ang target na population protection.

Dahil dito inatasan ng Pangulo si DILG Secretary Eduardo Año na panagutin ang mga lokal na opisyal na hindi agad makakapagbigay ng bakuna sa kanilang nasasakupan.

“I have ordered Secretary Año to impose the necessary sanctions against LGUs and local chief executives who are not performing nor using the doses given to them in a most expeditious manner. I will hold each and every LGU accountable for this,” pahayag ng Pangulo.

SM food to go Banner Ad

Ayaw ni Pangulong Duterte na masayang ang mga bakuna kapag nai-deliver na ang supply sa mga lalawigan kaya dapat aniyang pagdating sa lugar ay sapat ang mga taong babakunahan gayundin ang mga vaccinator.

“Ang dapat lang pagdating doon eh talagang nandoon na `yong mga tao. The human resource side would be ready to do the injections. Kung sakali mangyari ito, I hope the local governments, the mayors, would take time really to attend to this problem of delay,” dagdag ng Pangulo.

Hindi na aniya dapat dumaan pa sa provincial government ang mga bakuna para hindi na maantala pa ang rollout kaya gagamitin na ang mga helicopter sa pagdadala ng mga COVID vaccine diretso sa mga munisipyo na kailangan ang mga bakuna.

Hindi ko malaman kung saan talaga nagkakamali, kung may mali, bakit mahina ang paglabas ng bakuna. Dito sa national, medyo okay. Ang problema, pagdating doon sa provincial, regional level, doon nagkakaroon ng medyo problema,” sabi ni Pangulong Duterte. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.