Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte pinuwersa ang budget

0 223

Nagtakda ng special session si Pangulong President Rodrigo Roa Duterte sa Kongreso para sa pagbabalik ng congressional deliberations sa panukalang 2021 national budget at maiwasan ang pagka-delay sa pagpasa nito.

Itinakda ito sa Oktubre 13-16, 2020 kung saan sa pahayag ng pangulo ay lumilitaw na hindi siya papayag na magiging re-enacted ang budget ng pamahalaan sa susunod na taon.

“President Rodrigo Roa Duterte today, October 9, has called the Congress to a special session scheduled on October 13-16, 2020 to resume the congressional deliberations on the proposed 2021 national budget and to avoid any further delays on its prompt passage,” ayon kay Roque.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na diretsahang inihayag ng Pangulo na kung hindi magagampanan ng mga kongresista ang obligasyon nilang pagtibayin ang 2021 proposed National Budget na nagkakahalaga ng 4.5 trilyong piso ay siya na mismo ang gagawa.

Ayon kay Roque, napakaimportante para sa Pangulo ang 2021 National Budget dahil nakapaloob dito ang pondo na gagamitin sa patuloy na pagtugon ng pamahalaan sa pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.