Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte pipirmahan na lang P30K sa empleyadong na-COVID

0 211

Kumpiyansa si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na maipapasa ang P30,000 ayuda para sa mga empleyado na tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Bello, pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para maipatupad ang pamimigay ng P30,000 benepisyo sa mga manggagawa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Merong resolusyon ang ECC (Employees Compensation Commission) diyan. Kapag tinamaan ka ng COVID sa trabaho mo, mayroon kang assistance na P30,000. One time lang po `yan,” sabi ng kalihim.

Sa ilalim ng ECC Board Resolution No. 21-04-14, pasok sa mga makatatanggap ng kompensasyon ang mga manggagawa na magpopositibo sa RT-PCR test subalit may mga kondisyon tulad ng kailangang nangyari ang hawaan sa trabaho, sa biyahe papasok o pauwi galing opisina, o kapag ang trabaho ay face-to-face sa ibang tao. (Raymark Patriarca/Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.