Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte pirmado na P4.8B COVID bakuna deal

0 224

Napirmahan na ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang purchase order para sa 17 milyong doses ng bakuna mula sa AstraZenaca at isang milyong doses sa Sinovac.

Ang purchase order para dalawang brand ay tinatayang nasa P4.8 billion.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang Sinovac ay babayaran pitong araw bago ito ideliber sa banza.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nasa 70% naman na aniya ang naibayad sa AstraZeneca at ang balanseng 30% ay babayaran bago ang takdang petsa ng pagdeliber ng mga bakuna nito sa bansa.

Gayunman, hindi pa masabi ni Roque kung kailan makararating sa bansa ang 17 milyong doses ng bakunang gawa ng AstraZeneca.

Inaasahan naman na darating sa ika-apat na linggo ng Marso ang isang milyong doses ng Sinovac vaccine.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.