Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte pokus sa pandemya kahit palapit eleksiyon

0 94

Hindi pa nagbabago at pangunahing prayoridad pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtugon sa COVID-19 pandemic sa kabila ng mga pahayag nito tungkol sa eleksiyon, ayon sa Malacañang.

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ang pahayag ni Pangulong Duterte noong Hulyo 6 na seryoso niyang pinag-iisipan ang pagtakbo sa pagka-vice president.

“Hasn’t changed. It’s still COVID-19 but what do you do? COVID-19 or not, elections are coming up,” ani Roque sa press briefing nitong Huwebes.

Pero hindi aniya maiiwasang pag-usapan ang politika dahil parating na ang Halalan 2022.

“COVID pa rin po ang problema pero nakasaad po sa ating Saligang Batas na magkakaroon ng halalan sa Mayo,” ani Roque. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.