Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte: Presidential bet sa jet, yate nagko-cocaine

0 76

May panibagong pasabog si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa isang presidential bet nauna na niyang ibinunyag na adik sa cocaine.

Sa kanyang talumpati sa General Santos City kahapon, binanggit uli ng Pangulo ang presidential bet na aniya’y gumagamit ng cocaine.

“There’s a candidate who was using cocaine, and you can ask `yong mga mayaman,” sabi ni Pangulong Duterte.

Subalit hindi umano mahuhuli ang presidential bet kapag gumagamit ng cocaine dahil ginagawa nito sa yate o sa eroplano.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sabihin ng pulis, bakit hindi natin hinuli? Hindi mo alam ang mga mayaman, they go on a yacht or in the air, doon ‘yon sila magsupsop ng ano nila,” wika ng Pangulo.

Una na ring sinabi ni Pangulong Duterte na mahinang lider aniya ang nasabing presidential candidate at matunog lang ito sa mga tao dahil sa pangalan nito.

Hindi pa rin tinutukoy ng Pangulo ang presidential bet na sinasabi niyang adik sa cocaine. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.